Saturday, September 23, 2017

Hindi natinag si Mocha Uson sa kaso na binigay ni Trillanes, "We are ready for anything".

“We are ready for anything.”
Ito ang matapang na tugon ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson ilang oras matapos ang pagsasampa ng patung-patong na kaso ni Sen. Antonio Trillanes laban sa kanya.
Pitong kaso ang isinampa ni Trillanes laban kay Uson kabilang ang mga kasong may kaugnayan sa pagpapakalat ng fake news, cybercrime offense at anti-graft and corrupt practices act.
Ayon kay Uson, sasagot ang kanilang kampo sa tamang panahon.
Kumpiyansa anya sila na ang mga kasong ito ay nadala lamang sa emosyon at handa siyang harapin ang mga ito.
Samantala, hindi naman nagkomento si PCOO Secretary Martin Andanar sa pagsasampa ng kaso ni Trillanes.
Iginiit ng kalihim na nagagawa ni Uson ang kanyang trabaho lalo na sa pagbibibigay ng ulat sa mga polisiya ng administrasyon sa social media.